Malungkot na nagbalik-tanaw ang mga netizens sa 2019 blockbuster Korean movie na ‘Parasite’ matapos sabay na hagupitin ng southwest monsoon (habagat) at baha ang malaking parte ng bansa ngayong linggo.
Naispatang ibinahagi ng ‘Cinemabravo’ Facebook page ang ‘di malilimutang linya sa pelikula na tila sumasalamin sa reyalidad at sitwasyon ng karamihan ngayon.
“Today the sky’s so blue, and no pollution! Thanks to all the rain yesterday!” - Parasite (2019)
Umami ng samu’t saring reaksyon ang naturang post.Komento ng ilang netizens:
“It’s a painful reminder that while the rain may fall on all, only the vulnerable are left to drown. These floods don’t just reveal climate or political neglect issues they expose the deeper injustice of a system where survival depends on your place in society.”
“When I watch this nagbago perspective ko sa [r]ain. Before I think pag umuulan sarap ng panahon it feel cozy [b]ut suddenly sa isip ko hindi ako pw[e]deng matuwa pag umuulan kasi pag umuulan marming [b]inabaha or apektado sa [u]lan.”
Nakakatuwang hirit naman ng isa:
“Di kasi kayo naginvest sa high-quality condos like me para isasara ko lang bintana, resume netflix na”
Matatandaang hakot-award ang Parasite noong Oscars 2020. Nasungkit nito ang Best Picture, Best Director, at ang Best Original Screenplay Award.
Tumutukoy kasi ang pelikulang ito sa dalawang pamilyang may magkaibang estado sa buhay, na may iba’t ibang paraan ng pamumuhay.
Dahil dito, hindi napigilan ng mga netizens na purihin ang historic film na ito. Komento nila:
"Prime movie of all time"
“ONE OF THE GOAT FILMS!”
Vincent Gutierrez / BALITA