Nagbitiw ng hirit ang “It’s Showtime” host na si Karylle nang sumalang sila ng mister niyang si Spongecola vocalist Yael Yuzon sa “Showtime Online U.”
Sa isang episode kasi ng nasabing noontime show noong Martes, Hulyo 22, inihayag ni Karylle ang pagkatuwa niya sa dami ng gumagamit ng “Kay Tagal Kitang Hinihintay” ng Spongecola bilang background music sa TikTok videos.
“Natuwa kami na do'n sa TikTok, ang daming gumagamit ng line na 'nagkita rin ang ating landas.' Pero 'pag nakita na naman nila ang ex, ba't ba ang hilig n'yo sa mga ex-ex na 'yan?” saad ni Karylle.
Dagdag pa niya, “Kasi minsan—hindi ko alam kung joke-joke—'yong pari nakita mo 'yong ex mo pero ikaw [magkakasal] sa kanila. [...] Mga gano'n 'yong mga atake nila.”
Sabi naman ni Yael, maliit daw kasi ang mundo. Bagama't ang Pilipinas ay maraming isla, maliit din itong bansa.
Aniya, “I guess 'yong mga kuwento natin magwe-weave talaga ta's mag-iintersect at magre-reintersect pa over and over again.”
“Kaya maganda pagka may ex ka dapat maganda 'yong relationship n'yo as much as possible para hindi awkward,” dugtong pa ng bokalista.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Ang bait nila parehon past is past Tama un sinabi n yael"
"ang bait ni yael bagay cla.yong iba kc gusto sobrang gwapo sobrang ganda tama yan cla maganda c karyll at gwapo c yael mababait yon ang pinaka."
"Bagay cla same mabait at ANG gwapoo ni Yael lakas Ng dating at ANG Ganda ni karylle Kaya bahay cla"
"Gusto ko Kay K at Yael, never nilang tinatanggal Ang wedding ring NILA. "
"Both smart "
"Tama ,wag gawin kaaway ang x hahaha"
"mga intelligent people kaya sila..."