December 21, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Diskarteng Pinoy sa gitna ng habagat, patok sa mga pasaherong stranded

Diskarteng Pinoy sa gitna ng habagat, patok sa mga pasaherong stranded
Courtesy: Jeanly Santiago/FB

Kinabiliban ng netizens ang nakatutuwa ngunit epektibong paraan ng ilang mga Pinoy upang kumita at tulungan ang mga stranded na pasahero sa gitna ng ulan at baha sa Mindanao Ave. Exit sa Quezon City.

Batay kay Jeanly Santiago na isa sa mga nakasaksi, pumatok sa netizens ang pagtitinda ng ilang mga Pinoy ng instant noodles, juice, bottled water, at biscuit habang sila ay naghihintay na umusad ang mga sasakyan.

Sa eksklusibong panayam ng Balita, nabili niya raw ang cup noodles sa halagang ₱50 kada piraso, biscuit sa halagang ₱30, juice sa halagang ₱20 kada 230 mL, at bottled water sa halagang ₱20 kada 500 mL.

Galing siyang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 papuntang Bulacan, nang salubungin ng mabigat na daloy ng trapiko sa bandang Mindanao Ave. Exit. Dulot ng limang oras na halos walang galaw ang mga sasakyan, napabili sila ng makakain upang malamanan ang kanilang mga sikmura.

Human-Interest

ALAMIN: Gaano kadalas ba dapat magpalit ng kobrekama at punda ng unan?

Bandang 11:00 ng gabi ay nagsimulang lumuwag ang daloy ng trapiko diretso papuntang Novaliches at SM Fairview sa Quezon City.

Vincent Gutierrez