December 15, 2025

Home BALITA

Depensa ni DILG Sec. Jonvic mula sa bashers: ‘Pabiro talaga ako!’

Depensa ni DILG Sec. Jonvic mula sa bashers: ‘Pabiro talaga ako!’
Photo courtesy: via MB, DILG/FB

Dumipensa si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla mula sa mga batikos na natanggap sa usap-usapan niyang paraan ng pag-aanunsyo ng suspensyon ng mga klase.

Sa panayam ng Unang Balita—programa ng Unang Hirit sa GMA Network—kay Remulla, nitong Miyerkules, Hulyo 23, 2025, iginiit niyang hindi niya raw intensyon na maliitin ang binabahang sitwasyon ng karamihan sa pamamagitan ng pagbibiro.

“Siguro, hindi nila ako naiintindihan. Pabiro talaga ako. Hindi ko minamaliit ang pinaghihirapan nila,” ani Remulla.

Paliwanag pa ni Remulla, nais lamang daw niyang mabawasan ang “negative vibes” na naririnig ng taumbayan bunsod ng kalamidad.

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

“Ang ginagawa ko lang, ang pagpapaalala, ginagawa kong mas magaang para hindi naman negative vibes lagi ang naririnig,” anang DILG secretary.

Bunsod nito, humingi rin ng paumanhin si Remulla sa mga nainis sa natural niyang paraan ng pag-aanunsyo.

“Kung hindi man nila naiintindihan, humihingi ako ng pasensya pero ganoon talaga ang pagkatao ko,” saad niya.

Dagdag pa niya, “Intindihin n’yo na lang po na wala po akong masamang intensyon.”

Matatandaang inulan ng mga reaksiyon at komento ang estilo ni Remulla matapos ang kaniyang mga nakaraang anunsyo tungkol sa suspensyon ng klase.

KAUGNAY NA BALITA: Havey o waley? 'Gen Z style' posts ng DILG, umani ng reaksiyon

Samantala, ayon sa pinakabagong tala ng DOST-PAGASA, kasalukuyan ng dalawang bagyo ang nakakaapekto sa weather condition ng bansa.

KAUGNAY NA BALITA: 2 bagyo na! Isa pang LPA sa bansa, ganap nang bagyo