Nagbigay ng opisyal na pahayag ang Starbucks Philippines hinggil sa viral Facebook post ng mag-asawang persons with disability (PWD) na naging customer ng kanilang branch sa Festival Mall sa Alabang, Muntinlupa City.
Batay sa Facebook post ng isang babaeng netizen, Martes, Hulyo 22, pareho silang PWD ng kaniyang mister. Nagtungo sila sa nabanggit na coffee shop sa loob ng mall para mag-relax.
Asawa raw niya ang nagtungo sa counter para umorder ng inumin. Pagbalik daw ng asawa, iba na raw ang aura nito, dahil sa mga nakasulat na pangalan nila sa cups.
"My husband and I went to Starbucks at Festival Mall earlier to relax after work. We are both PWDs (my husband has a speech disability and I have a psychosocial disability). Since I was already tired, he was the one who ordered at the counter. When he came back to our table, nag iba yung aura nya. Then he showed me the name written on his cup," aniya.
Mababasa sa dalawang cups ang "Speech" na maaaring tumutukoy sa disability ng kaniyang mister.
Hindi naman naiwasan ng mag-asawa na makaramdam ng pagkadismaya.
"Really, Starbucks!? This is so disappointing. And then you even called out my husband based on the name written on the cup?
"This is truly disappointing," pahayag ng netizen.
Sa update naman niya, nakausap na raw nila ang manager ng coffee shop sa tinukoy na branch at humingi naman daw ng paumanhin sa kanila.
Pero ang katwiran naman niya, hindi na mababawi ang trauma na ipinaramdam sa kanila, lalo na sa asawa niya, dahil sa nangyari.
"The manager spoke with us and apologized. They acknowledged their mistake. But still, part of us — especially my husband — was humiliated by what happened. He rarely approaches people, and now it seems like he’s starting to feel traumatized even just by ordering at other restaurants. Knowing that I also have a social disability, this is just too much," aniya.
Agad na nag-viral ang post at marami ang humimok sa mag-asawa na magsagawa ng legal action laban sa coffee shop, lalo na't labag sa batas ang pamamahiya sa isang PWD.
Sa eksklusibong panayam ng Balita, ibinahagi ng uploader na nag-post siya ng karanasan sa social media upang magsilbing awareness sa publiko.
"Just for awareness. And sana di na maulit sa iba. Knowing na ang daming nag-reach out po sa akin, same scenario na ininsulto sila sa SB," pahayag niya.
Pagbabahagi pa niya, nagpadala na raw sila ng e-mail sa pamunuan ng coffee shop upang i-raise sa kanila ang naging concern.
KAUGNAY NA BALITA: Mag-asawang PWD, inireklamo coffee shop dahil sa pangalang isinulat sa cups nila
TUGON NG STARBUCKS PHILIPPINES
Nakipag-ugnayan ang Balita sa pamunuan ng Starbucks Philippines, sa pamamagitan ng kanilang social media platform at e-mail, upang hingin naman ang kanilang panig tungkol sa isyu.
Agad naman silang tumugon sa Balita at ipinadala ang kanilang opisyal na pahayag kaugnay sa isyu.
Batay sa kanilang opisyal na pahayag, humingi na raw sila ng paumanhin sa mag-asawa dahil sa umano'y distress na naidulot ng insidente sa kanila.
Batay sa kanilang imbestigasyon ay kinukumpirma nilang nagkaroon nga ng pagkakamali sa bahagi ng empleyado. Sa kabilang banda, iginiit nilang pinananatili pa rin daw nila ang kaniyang "values and service standards" sa kanilang mga empleyado, na lagi nilang ipinare-reinforce sa kanila.
Nangako rin silang pag-iibayuhin pa raw nila ang training para sa mga empleyado nila upang mapanatili pa ang kanilang kultura at tamang pagtrato sa customers na may dignidad, respeto, at kalinga.
Anila, as is published, "We have reached out to (pangalan ng mag-asawa) to sincerely apologize for this incident and for the distress it caused them."
"Our investigation has confirmed that when our employee was shown the customer’s ID card, to access a discount for disabled customers, he mistook the disability listed as being the customer’s name."
"We fully acknowledge our mistake and will reinforce with our teams the values and service standards that we expect."
"This will include further enhancing the training which we provide aimed at fostering a strong culture of inclusion and treating everyone in our stores with dignity, respect, and care."