Biniyayaan ng social media personality na si Boss Toyo ang dalawang lalaking nagligtas sa isang batang lalaking nahulog sa isang rumaragasang baha sa Batasan Hills, Quezon City, sa kasagsagan ng pananalasa ng hanging habagat sa Metro Manila at iba pang karatig-lalawigan.
Mababasa sa Facebook post ni Boss Toyo ang pagbibigay niya ng cellphone at cash sa dalawang lalaking nagsilbing "hero" para sa bata.
Ayon kay Boss Toyo, sadyang natuwa siya sa kabayanihan ng dalawa, kaya naman nagbigay siya ng kaunting biyaya sa dalawa.
"eto na ang mga tunay na bagong bayani na nagligtas dun sa bata na dinala ng rumaragasang baha. bingyan ntin sila ng cellphone mula sa Cellboy at cash bawat isa," aniya.
"bilib ako sa knila sa kwnto nila pano nila nasagip un bata. salamat sa inyo!!" giit pa ng socmed influencer.
Sey naman ng mga netizen, deserve daw ng dalawa ang ayuda at mas karapat-dapat pa raw silang makatanggap ng ayudang ₱80k.
MAKI-BALITA: Lalaking sumaklolo sa batang inanod ng baha, sinaluduhan; mas deserve ng ₱80k