Tila manok na pinagsasabong sina BINI member Mikha Lim at Pinoy Big Brother Gen 11 Big Winner Fyang Smith matapos nilang maglaro ng volleyball sa Star Magic All-Star Games 2025 na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Linggo, Hulyo 20.
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Martes, Hulyo 23, tumestigo si Mama Loi sa lakas ng suportang ibinuhos kay Mikha habang ito ay naglalaro.
“More than half yata ng Araneta Coliseum, mga fans ni BINI Mikha. [...] Saka tuwing si Mikha ‘yong makakatira ng bola talagang tilian. Dagundong talaga,” saad ni Mama Loi.
Kaya naman—ayon sa co-host niyang Mrena—patunay daw ito na kahit anong tira ng basher sa BINI ay namamayagpag pa rin ang Nation’s girl group.
Matatandaang kamakailan lang ay kinuyog ng batikos ang BINI dahil sa tila maarte nilang reaksiyon sa pagtikim ng mga Pinoy snack.
KAUGNAY NA BALITA: ‘Ang lala ng kaartehan!’ BINI, binatikos matapos lumantak ng Pinoy snacks
Samantala, nang tanungin naman si Mama Loi tungkol kay Fyang, sinabi nitong mas marami pa ring nagsigawan para kay Mikha bagama’t may ilang fans din naman daw na nagtilian para sa Big Winner ng PBB Gen 11.
“May mga fans din si Fyang doon,” saad ni Mama Loi. “Kaso nga lang talagang mas marami lang sigurong present na fans ni Mikha kaya talagang grabe. Ang lakas talaga.”