Bangkay na nang matagpuan ang 11-anyos na batang babae nitong Miyerkules, Hulyo 23.
Lumilitaw sa inisyal na ulat ng Manila Police District (MPD)- Homicide Section na dakong alas-11:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa Estero de Muralla 2 Bridge sa Tondo.
Ayon sa mga magulang ng biktimang si "Joy," bago ang insidente ay niyaya ng kaniyang mga kaibigan ang biktima na maligo sa naturang lugar.
Gayunman, dahil sa hindi marunong lumangoy ay nalunod ang biktima.
Dakong alas-3:00 ng hapon na nang matagpuan ang bangkay ng biktima matapos na sumabit sa paa ng isa sa mga rescuer na naghahanap sa kaniya.