Mula tropical depression naging tropical storm na ang bagyong "Emong" dahil mas lumakas ito, ayon sa PAGASA.
Sa press briefing nitong Miyerkules, Hulyo 23, as of 4:00 p.m., ibinahagi ng PAGASA na mabilis na naging tropical storm ang bagyo.
Matatandaang nito lamang alas-8 ng umaga nang maging tropical depression ang bagyong "Emong."
MAKI-BALITA: 2 bagyo na! Isa pang LPA sa bansa, ganap nang bagyo
Namataan ang bagyong "Emong" sa 115 kilometers West Northwest ng Laoag City, Ilocos Norte. May taglay ito ng lakas ng hangin at pagbugso ito ng 65 kilometers per hour at 80 kilometers per hour, kagaya ng bagyong "Dante," na isa ring tropical storm.
Bagama't hindi ganoon kalapit sa kalupaan ang bagyong "Emong," itinaas sa tropical cyclone wind signal no. 1 ang ilang lugar sa Luzon.
Ilocos Region
Apayao
Abra
Ilocos Sur
La Union
Benguet
Western portion ng Pangasinan (Dasol, Burgos, Agno, Bani, Bolinao, City of Alaminos, Mabini, Anda, Labrador, Sual, Binmaley, Dagupan City, Lingayen, Bugallon, Infanta, Sison, Mangaldan, San Fabian, San Jacinto, Pozorrubio).
Bukod sa dalawang bagyo, nakakaapekto rin sa bansa ang enhanced southwest monsoon o hanging habagat na siya nagdadala rin ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.
Samantala, binabantayan din ng PAGASA ang isang low pressure area sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa layong 2,230 kilometers East of Bicol Region, at wala raw itong magiging direktang epekto sa bansa.