December 13, 2025

Home BALITA

2 bagyo na! Isa pang LPA sa bansa, ganap nang bagyo

2 bagyo na! Isa pang LPA sa bansa, ganap nang bagyo
DOST-PAGASA

Kasunod ng bagyong "Dante," ganap nang naging bagyo ang low pressure area (LPA) at tinawag itong 'Emong.'

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Miyerkules, Hulyo 23, namataan bagyong 'Emong' sa 105 kilometers Northwest of Northern Luzon, as of 8:00 AM.

Nauna nang sinabi ni PAGASA weather specialist Loriedin de la Cruz-Galicia na mataas ang tiyansa nitong bagyo na maghatak ng hanging habagat. 

Samantala, mula sa tropical depression, naging tropical storm na ang bagyong 'Dante.' Namataan ito sa layong 880 kilometers east of extreme Northern Luzon. Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometers per hour at pagbugso na 80 kilometers per hour. Ang galaw naman nito ay pa-northwestward na may bilis na 15 kilometers per hour. 

Mahigit 100 Pinoy, lumikas dahil sa sigalot ng Thailand-Cambodia

“Malayo ang sentro nito sa kalupaan at hindi ito nakakaapekto sa anumang bahagi ng kalupaan, in terms of wind o hangin niya," saad ni De la Cruz-Galicia. 

“Sa mga susunod na araw ay hindi rin makaapekto yung hangin nito kaya’t hindi po tayo nagtaas ng wind signals sa anumang bahagi ng ating arkipelago," dagdag pa niya.

Bukod sa dalawang bagyo, binabantayan din ng weather bureau ang isang pang LPA sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na nasa layong 2,340 kilometers East of Eastern Visayas.