Ibinahagi ni acting Davao City Vice Mayor Rodrigo "Rigo" Duterte ang plano niyang pagbisita sa lolo niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands.
Sa Pulong-Pulong sa Dabawenyos media forum, sinabi ni Rigo na bibisitahin niya ang kaniyang lolo sa Agosto kasama ang kaniyang mga kapatid at ama na si Davao City first district Rep. Paolo “Pulong” Duterte.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) ang dating pangulo matapos siyang arestuhin noong Marso 11 dahil sa kasong "crimes against humanity” kaugnay ng madugong giyera kontra droga ng kaniyang administrasyon.
Noong Marso 14 nang isagawa ang pre-trial hearing ni Duterte sa ICC Pre-trial Chamber I.
Nakatakda naman ang confirmation of charges hearing ng dating pangulo sa darating na Setyembre 23, 2025.
MAKI-BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD