Tila maging ang self-proclaimed motivational speaker at fitness coach na si Rendon Labador ay nag-init ang dugo sa isang content creator na si Zac Alviz.
Sa isang post kasi ni Zac nitong Martes, Hulyo 22, pasimple niyang ipinamukha ang benepisyo ng pamumuhunan sa condominium sa panahon ng sakuna.
Aniya, “In moments like this, dun mo masasabi na worth it yung condo investments mo. Ang daming binabaha, may tulo sa kisame, lumilipad yung bubong.”
“Pero pag high-quality condo, in most cases, sara mo lang bintana mo, okay ka na. Resume Netflix na ulit,” dugtong pa ni Zac.
Naasiwa tuloy ang ilang netizens kay Zac dahil insensitibo umano ang hanash nito. At isa nga sa mga pumatol dito ay si Rendon.
“Napaka angas mo naman, edi ikaw na naka condo Sa susunod nga bago kayo mag angas saakin siguro mag pa facial muna kayo” saad ni Rendon.
Kasalukuyang masama ang lagay ng panahon sa Metro Manila at ilang bahagi ng CALABARZON dahil sa southwest monsoon o habagat.
Kaya naman suspendido pa rin ngayong Martes, Hulyo 22, ang mga klase sa paaralan at ilang opisina ng gobyerno sa mga apektadong lugar.