December 13, 2025

Home BALITA Metro

Propesor, inugat dahilan ng pagbaha sa ilang kalye ng NCR

Propesor, inugat dahilan ng pagbaha sa ilang kalye ng NCR
Photo Courtesy: Mahar Lagmay (FB)

Ibinahagi ni Professor Mahar Lagmay sa publiko ang dahilan ng pagbaha sa ilang kalsada sa Metro Manila ngayong inuulan ang bahaging ito dahil sa southwest monsoon o habagat.

Sa isang Facebook post ni Lagmay noong Lunes, Hulyo 21, sinabi niyang daluyan umano talaga ng tubig ang mga binabahang kalye.

“Ang totoong dahilan kung bakit binabaha ang mga kalye na nakikita natin ngayon sa social media. Daanan talaga siya ng tubig pero nilapatan natin ng kalye,” saad ni Lagmay.

Makikita sa mapang ipinaskil ng propesor na kabilang sa mga kalyeng ito ang Commonwealth Avenue na matatagpuan sa Quezon City.

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Si Lagmay ay isang disaster mitigation expert mula University of the Philippines (UP) at siya ring tumatayong executive director ng Project NOAH (Nationwide Operational Assessment of Hazards), isang disaster risk reduction and management program ng UP.