December 13, 2025

Home BALITA Metro

Nailikas na fur babies, kasama kanilang fur parents evacuation center sa QC

Nailikas na fur babies, kasama kanilang fur parents evacuation center sa QC
Quezon City Government/FB

Pinayagan ng Quezon City local government unit na makasama ng mga residente ang kanilang mga alagang hayop sa evacuation centers sa gitna ng banta ng malakas na pag-ulan.

Sa isang social media post ngayong Martes, Hulyo 22, ibinahagi ng LGU ang mga larawan ng fur babies kasama ang kanilang fur parents sa evacuation center. 

"No pets left behind. Ligtas na nailikas ng kanilang mga amo ang mga alagang hayop sa gitna ng banta ng masamang panahon. Sinisiguro din ng mga furparents na maayos ang lagay ng kanilang mga alaga at may sapat na pagkain at tubig," saad nila sa caption ng post.

As of 11:00 p.m., nitong Lunes, Hulyo 21, nasa 7,259 na pamilya o 24,254 na indibidwal ang nailikas sa lungsod.

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Samantala, as of 8:00 a.m., ngayong Martes, nasa red warning level ang Metro Manila. 

KAUGNAY NA BALITA: Isa sa dalawang LPA sa PAR, may ‘high chance’ na maging tropical depression