Ganap nang tropical depression ang isang low pressure area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
As of 2:00 p.m., nitong Martes, Hulyo 22, namataan ang tropical depression "Dante" sa layong 1,120 kilometro Silangan ng Hilagang Luzon. Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 km/h, pagbugso na 55 km/h, at bilis na 20 km/h.
Samantala, ang isa pang LPA na nasa PAR ay may "medium potential" na maging tropical depression sa susunod na 24 na oras. Huli itong namataan sa layong 170 kilometro Silangan Timog-Silangan ng Basco, Batanes.
Gayundin ang isa pang LPA na nasa laban naman ng PAR, na nasa layong 2,705 kilometro ng Silangan ng Silangang Kabisayaan, ay may "medium potential" din na maging tropical depression sa susunod na 24 na oras.