Usap-usapan pa rin sa social media ang lalaking sumagip sa batang nahulog sa isang ginagawang kalsada sa Quezon City sa kasagsagan ng baha noong Lunes, Hulyo 21.
Sa video na ibinahagi ng Facebook page na “Viral na, Trending pa” noon ding Lunes, makikitang walang pag-aalinlangang tumalon ang lalaki para agad na saklolohan ang batang tinangay ng baha.
Kaya naman pulos papuri ang nasabi ng mga netizen sa ginawang kabayanihan ng lalaki. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"salute sa Kuya na walang alinlangan na sagipin ang Bata.. Sa una akala ko anak niya na sumusunod sknya.. Kasi kita ko reaction nong nakitang naagus ung Bata sa rumaragasang tubig.. Un Pala di niya kaano ano.. Subrang swerte padin ang Bata kasi nakatagpo ng ganung taong walang alinlangan sagipin kahit sariling buhay na nakataya.. Pagpalain ka ng panginoonKuya Dahil sau isang buhay ang na bigyan ng pagkakataon pang mabuhay pa. Naway marami pang Tao kagaya mo."
"Salamat sa di nagatubiling sagipin yung bata kahit yung sarili pa niyang buhay ang nakataya. Pagpalain ka ng lubos ng Diyos."
"Salamat sa sumagip na naka sando saludo po sayo"
"Dapat kinastigo yung ina, PABAYA! SALAMAT kay kuyang sumagip sa buhay nung bata. God bless you kuya!"
"Dapat ito ang tulungan nang government"
“Hero talaga si Kuya pati buhay niya binigay. Sana nilgyan ng fence safety for everybody.”
Maging ang chairman at founder ng isang review center na si Dr. Carl Balita ay napabilib din ng lalaki. Ayon kay Balita, ang mga gaya nito raw ang dapat binibigyan ng ₱80,000.
“Kung ANAK mo man yan, BAYANI ka pa din at ang mga kasama mo…[...] Salamat sa kabayanihan mo,” dugtong pa ng chairman at founder ng isang review center.
Samantala, isa namang content creator na si Keifer Brosse ang naghayag ng interes na abutan ng konting regalo ang kabayanihang ginawa nito. At sa tulong ng social media, nakontak niya ang lalaki na kinilala sa ngalang “Jay.”
Sabi ni Kiefer, “Nakausap kona si Brother Jay at naibigay kona ang aking munting regalo para sakanya at para sa anak at pamilya nya pag damutan muna pare ang aking munting regalo saiyo.”