Nagbigay ng bagong updates si Queen of All Media Kris Aquino patungkol sa lagay ng kaniyang kalusugan, na mababasa sa kaniyang Instagram post noong Linggo, Hulyo 20.
Sa isang art card, idinetalye ni Kris na nagkasakit din pala ang bunsong anak na si Bimby, ng stomach flu pero gumaling na.
Pero bukod dito, naibahagi rin ni Kris na may dalawa pang sakit na iniinda, bukod pa sa siyam na autoimmune diseases na pinagagamot niya.
Ang ikasampu raw ay epekto ng siyam na autoimmune disease, at ang ikalabing-isa naman ay dahil sa lupus, rheumatoid arthritis, sjogren’s at iba pang autoimmune diseases.
Game ding nakipag-interact si Kris sa kaniyang followers at nagtanong sa kanila kung may nais ba silang itanong sa kaniya.
Sa isa ngang netizen ay sinagot ni Kris ang dahilan kung bakit siya lumalaban.
"not just for kuya Josh & bimb yung effort kong lumaban. I now have 9 primary autoimmune diseases , # 10 is a result of the 9, and i have an 11th disease that came about because of my lupus, rheumatoid arthritis, sjogren’s and a few of my other autoimmune diseases. I love my sons and they aren’t ready to lose me- especially bimb who just turned 18. Thank you for loving me," aniya.
Bumuhos naman ang dasal mula sa mga netizen para sa agarang paggaling ni Kris.