December 13, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Kasal sa Bulacan, tuloy kahit binaha loob ng simbahan!

Kasal sa Bulacan, tuloy kahit binaha loob ng simbahan!
Photo courtesy: Santi San Juan/MB

Ipinagpatuloy ng magkasintahang Jao Verdillo at Jam Aguilar, na sampung taon nang magkasama, ang kanilang seremonya ng kasal sa kabila ng pagbaha sa kanilang venue, ang Our Lady of Mt. Carmel Parish – Barasoain Church sa Malolos, Bulacan, nitong Martes, Hulyo 22, 2025.

Sa nakunang larawan ni Santi San Juan ng Manila Bulletin, iginiit ng bride at groom na ituloy ang kasal sa kabila ng matinding pagbaha dulot ng habagat.

Anila, dalawang taon na nilang naireserba ang naturang simbahan, na kilalang mahirap maipareserba, at nakapag-leave na rin sila sa kanilang trabaho bilang mga accountant.

Makikita sa mga larawan na pinasok ng abot-tuhod na baha ang loob ng simbahan, subalit hindi ito alintana ng mga ikakasal at panauhin, sa kabila ng magagara nilang kasuotan.

Human-Interest

#BalitaExclusives: Anak na nilibre mga magulang niya sa abroad, hinangaan ng netizens

Ilan nga ay nagtanggal na rin ng mga sapatos nila at lumusong na sa baha, matuloy lang ang entourage at seremonya. 

Sabi nga, habagat at baha ka lang, nagmamahalan kami!