December 14, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Jessy Mendiola sa pa-cool post ng DILG: 'Is this supposed to be funny?'

Jessy Mendiola sa pa-cool post ng DILG: 'Is this supposed to be funny?'
Photo courtesy: Jessy Mendiola, DILG (FB)

Isa ang Kapamilya actress at misis ni Luis Manzano na si Jessy Mendiola sa mga nag-react sa "Gen-Z style" na announcement post ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa anunsyo ng walang pasok sa mga paaralan at tanggapan ng pamahalaan para sa Miyerkules, Hulyo 23, dulot pa rin ng masamang panahon.

"Mga Abangers, Sarap ng bogchi ko. Sa kabusugan ay naka idlip nang sandali. Oh eto na inaabangan ninyo: #WalangPasok sa lahat ng baitang kasama kolehiyo at seminarista, at mga tanggapan ng gobyerno para sa July 23, 2025," mababasa sa anunsyo, na naka-post sa kanilang opisyal na Facebook page.

Photo courtesy: Screenshot from DILG/FB

Ang mga binanggit na lalawigan ay Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, La Union, Benguet, Pangasinan,Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bulacan, Bataan, Laguna, Rizal, Batangas, Quezon, Marinduque, Camarines Sur, Albay, Catanduanes, Sorsogon, Masbate, Romblon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Palawan, Antique, Negros Occidental, Guimaras, Cavite, at Metro Manila.

"Para sa mga immortal na namamsukan bahala na mga boss niyo. Sila ang nakakaalam ng kinakailangan ng hanap buhay," anila pa, para naman sa mga pribadong sektor.

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

Marami sa mga netizen ang bumatikos sa paraan o estilo ng anunsyo, na dapat daw, ay hindi idinadaan sa biro ang mga ganitong bagay, lalo na sa pagharap sa kalamidad.

Isa nga sa mga nagkomento rito si Jessy.

"Is this supposed to be funny?" aniya.

Nagkomento rin dito ang Kapamilya actor na si Jake Ejercito.

"There’s a time and place for trying to be funny— this isn’t one of them," aniya.

Photo courtesy: Screenshot from DILG/FB

KAUGNAY NA BALITA: Jake Ejercito, sinita estilo ng pag-aanunsiyo ng DILG

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si DILG Sec. Jonvic Remulla o kahit na sinong kinatawan ng ahensya.

KAUGNAY NA BALITA: Havey o waley? 'Gen Z style' posts ng DILG, umani ng reaksiyon