Maging ang aktor na si Jake Ejecito ay hindi nagustuhan ang estilo ng pag-aanunsiyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa publiko.
Sa isang Facebook post ng DILG nitong Martes, Hulyo 22, opisyal na nilang inanunsiyo na suspendido na ang lahat ng klase sa Metro Manila at ibang lugar sa Luzon.
“Sarap ng bogchi ko. Sa kabusugan ay naka idlip nang sandali,” pambungad sa caption ng post.
Kaya naman isa Jake sa mga sumita sa paraan kung paano inihatid sa publiko ang abiso tungkol sa suspensyon.
“There’s a time and place for trying to be funny— this isn’t one of them,” saad ng aktor.
Matatandaang iniatang na ng Palasyo sa DILG ang responsibilidad ng pagsuspinde ng klase at trabaho sa panahon ng sakuna.
MAKI-BALITA: Havey o waley? 'Gen Z style' posts ng DILG, umani ng reaksiyon
MAKI-BALITA: DILG inatasan ng Palasyo sa pagsuspinde ng klase, trabaho