January 06, 2026

Home SHOWBIZ Teleserye

Jake Cuenca, nakipagputukan habang naka-brief lang

Jake Cuenca, nakipagputukan habang naka-brief lang
Photo courtesy: Screenshots from Kapamilya Online Live/YT

Nakakaloka ang mga eksena sa latest episode ng action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo" matapos makipagbarilan ang karakter ni Jake Cuenca sa karakter ni Ronwaldo Martin.

Sa nabanggit na eksena, napag-alaman na kasi ni Santino (Ronwaldo) na si Miguelito (Jake) ang pumatay sa kapatid niyang si David, na mahusay na ginampanan ni McCoy De Leon.

Kaya naman bilang utol ay rumesbak itong si Santino laban kay Miguelito at talagang nagkabakbakan sila, ha!

Take note, naka-brief lang si Jake sa mga eksena, at tinalo nga ang pagtakbo ni Maris Racal na nakasuot lang ng panty, sa katatapos lang na Incognito.

Teleserye

Rekta kay Lala Sotto: Vice Ganda nag-sorry sa MTRCB dahil sa natataeng contestant

MAKI-BALITA: Maris Racal, nag-react sa eksena niyang nagtatatakbong naka-bra at panty lang

In fairness, mukha nga raw may ibubuga talaga si Jake, sey ng netizens!

Inirerekomendang balita