December 13, 2025

Home BALITA National

Isa sa dalawang LPA sa PAR, may ‘high chance’ na maging tropical depression

Isa sa dalawang LPA sa PAR, may ‘high chance’ na maging tropical depression

Ibinahagi ng PAGASA na may “high chance” na maging tropical depression sa susunod na 24 oras ang isa sa dalawang low pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), base sa 24-hour tropical cyclone formation outlook na inilabas nitong 4:00 a.m., Martes, Hulyo 22.

As of 2:00 a.m., ang low pressure area (LPA 07g) na may “high chance” na maging tropical depression ay huling namataan sa layong 1,175 kilometro Silangan ng Central Luzon. 

Habang ang isa pang low pressure area (LPA 7h) ay may “medium chance” na maging tropical depression sa susunod na 24 oras. Huli itong namataan sa layong 385 kilometro Silangan ng Calayan, Cagayan. 

Samantala, patuloy na nakararanas na malakas na pag-ulan ang malaking bahagi ng Luzon dahil sa southwest monsoon o habagat. 

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028