Naispatan ang ilang biyaherong naghanda ng meryenda habang stranded sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) sa Valenzuela sa kasagsagan ng ulan noong Martes, Hulyo 22.
Sa TikTok video na ibinahagi ni Atty. Vanessa Realizan noon ding Martes, mapapanood na nagluto ng pansit canton ang mga biyahero sa likod ng kanilang sasakyan.
"[A]lmost 4 hrs na kayo sa NLEX nagluto na ng pancit canton sila koya," saad ni Atty. Vanessa.
Dagdag pa niya, "Filipinos are resilient, but we do not deserve this.”
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Tapos yung mga government officials na pinapasahod naten sa tax chill lang sa ibang bansa"
"Gaano katrapik sa NLEX?- nakapag luto ng pancit canton "
"TALAGANG SA HARAP MO PA TALAGA ATE "
"We don’t deserve this damn system"
"kawawa yung mga natatae na"
"Medyo thoughtful ka don binuksan mo headlight mo, 5 star ka sakin"
Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, pinili umanong dumaan ni Atty. Vanessa sa NLEX Connector upang makaiwas sa mga lugar na madaling bahain.
Ngunit sa kasamaang-palad, naipit pa rin siya sa mabigat na daloy ng trapiko. Nakauwi lang siya matapos ang anim na oras na biyahe.
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 2.3M ang kabuuang views ng video ni Atty. Vanessa.