December 14, 2025

Home BALITA National

Havey o waley? 'Gen Z style' posts ng DILG, umani ng reaksiyon

Havey o waley? 'Gen Z style' posts ng DILG, umani ng reaksiyon
Photo courtesy: DILG/FB

Inuulan ng reaksiyon at komento ang estilo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pagpo-post ng mga anunsyong pumapatungkol sa lagay ng panahon at suspensyon ng mga klase.

Una na rito ang abiso ng DILG sa kanilang opisyal na Facebook page, na pag-aming naging "lousy" sila sa pagsususpinde ng mga klase dulot ng malakas na ulang dala ng habagat sa Metro Manila at iba pang karatig-lugar at lalawigan.

"Mga Abangers, Lousy kami sa gobyerno kahapon. Dapat kagabi pa lang, inunahan na namin ang delubyo," anila.

Sumunod naman ay mensahe para kay Laguna Governor Sol Aragones dahil sa hindi raw pagsususpinde ng mga klase sa Laguna.

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

"Sa bago kong BFF Sol,"

"Bakit ba ganyan?"

"Ayon sa DOST ay hindi raw kasama ang Laguna sa Hazard map para bukas."

"Kung tutuusin ay isang ilat lang ang pagitan natin."

"Yung dati ko na BFF si Ramil, lagi kaming nag trash-tokan. Pero nahiya naman ako sa iyo dahil si utol Gilbert ang talagang ka-close mo."

"Ganito ire, kung tingin mo nanganganib ang mga kababayan mo ay ikaw na ang bahala. Suportahan ta ka. Basta kung ano ang desisyon mo, back up ako 100%."

"Oh ayan. Good luck!" mababasa sa post.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento. May mga pumuri at nagsabing mas okay ang ganitong klaseng anunsyo dahil nagiging "light" lang daw ang lahat.

"Cool haha, tatak Jonvic talaga eh!"

"Si Gov. Jonvic nga ang DILG Sec kasi mahilig din siya noon sa ganiyan."

"Laugh trip hahaha"

"Daming KJ dito sa comment section"

"Mag trending na naman ito noon lang, sayo ang Cavite, akin ang Laguna starring gov Jonvic Remulla and Ramil Laurel Hernandez. Iba nman ang theme ngayon. Ang bagong love team sec Jonvic and gov Sol Aragones."

Sa kabilang banda, may mga nagsabi naman kay DILG Sec. Jonvic Remulla na mas gawing "professional" at seryoso ang pag-aanunsyo patungkol sa kalamidad.

"DILG Philippines sana gamitin itong fb page sa mas pormal na pamamaraan. Ito po ay fb page ng isang department ng gobyerno."

"kilala ka naman po namin Sec. Jonvic dito sa Cavite sa ganyang pakulo ng pag-post pero sana naman po wag dalhin dito sa National Agency natin at Official page pa ito, Salamat Sec."

"For a national agency, apaka unprofessional ng pronouncement na to. For what? Para magmukhang cool at relatable? Be professional naman DILG at hndi kayo mga tambay sa kanto na magpaka tunog trashtokan. You are a NATIONAL AGENCY and this is your 'OFFICIAL' facebook account."

"DILG Philippines ayusin nyo coms nyo. Hndi namin kylangan pa cool ninyo. We need to see responders on the ground. Dati paparating pa lng ang bagyo, pina prepare at dineploy na ang AFP and PNP and other uniformed personnel. May mga army trucks na din na dineploy para pasakayin ang mga na stranded sa baha. Ngayon nga nga. Magtatanong na naman ba tayo kung ano ang gagawin sabay kamot ng ulo?"

"Kelan pa naging meme page ang DILG Philippines. Paalala sa communications team nyo na opisina ng pamahalaan ang page na ito. Hindi laro-laro ang mga anunsyo na pinapadaan dito. Iwan nyo sa mga meme page ang katatawanan at panatilihin ang dignidad ng ahensya."

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang DILG o maging si DILG Sec. Remulla tungkol sa isyung ito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.