Iniatang ng Palasyo sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang responsibilidad ng pagsuspinde ng trabaho sa panahon ng sakuna.
Sa inilabas na ulat ng DILG nitong Martes, Hulyo 22, kinumpirma ni Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez ang direktibang nagsasabing si DILG Secretary Jonvic Remulla ang pinahihintulutang magbaba ng anunsiyo kapag may kalamidad kung may pasok o wala.
“As NDRRMC [National Disaster Risk Reduction and Management Council] Vice Chairperson for Disaster Preparedness, Remulla assured the public that announcements will be made at least a night before—consistent with his practice during his time as Cavite governor,” saad ng DILG.
Matatandaang sinimulan na ng ahensya kahapon, Lunes, Hulyo 21, ang pagbibigay ng abiso hinggil sa lagay ng panahon at suspenyon ng klase.
Ngunit hindi nagustuhan ng ilang netizens ang mala-Gen Z na atake ng posts dahil tila nagmukhang meme page daw ang opisyal na Facebook page ng DILG.
MAKI-BALITA: Havey o waley? 'Gen Z style' posts ng DILG, umani ng reaksiyon