December 15, 2025

Home BALITA Probinsya

Bangkay ng isa sa 2 paslit na inanod ng rumaragasang ilog, natagpuan na

Bangkay ng isa sa 2 paslit na inanod ng rumaragasang ilog, natagpuan na
Photo courtesy: Pixabay

Natagpuan na ng mga awtoridad noong Lunes, Hulyo 21, 2025 ang bangkay ng isa sa dalawang batang lalaki na inanod ng rumaragasang ilog sa Morong, Rizal noong Sabado, Hulyo 18.

Batay sa ulat ng Tanay Municipal Police Station, dakong alas-7:00 ng umaga ng Lunes nang madiskubre ng isang residente ang bangkay ni alyas ‘Gene,’ 11, sa Dike Lakeshore, sa Brgy. San Isidro, sa Tanay.

Kasalukuyan umanong nangingisda sa naturang lugar ang testigong si alyas ‘Jomar,’ 38, nang mapansin ang bangkay ng bata kaya’t kaagad itong iniahon at dinala sa Barangay San Isidro Parola.

Matatandaang ang biktima at isa pang kaibigang lalaki, na 10-taong gulang lamang, ay unang iniulat na nawawala matapos na anurin ng rumaragasang agos ng ilog sa Morong, Rizal.

Probinsya

Pulis, namaril ng sundalo sa Zamboanga City; love triangle daw?

Ang bangkay ng biktima ay positibo naman nang kinilala ng kanyang inang si Gina.