December 13, 2025

Home BALITA Politics

Akbayan, inurirat ang gobyerno: 'Saan napupunta ang bilyones ng mga mamamayan?'

Akbayan, inurirat ang gobyerno: 'Saan napupunta ang bilyones ng mga mamamayan?'
Photo Courtesy: Akbayan (FB), MB File Photo

Kinuwestiyon ng Akbayan ang gobyerno sa gitna ng pananalanta ng kalamidad sa ilang lugar sa Luzon na dulot ng Habagat at bagyong Crising.

Sa isang Facebook post ng Akbayan nitong Martes, Hulyo 22, sinabi nilang kataka-taka umanong bumabaha ng budget para sa "flood control projects" pero patuloy pa ring binabaha ang mga komunidad.

“Sa gitna ng pag-ragasa ng bagyo, nakakapagtakang bumabaha ng budget para sa 'flood control projects' pero tuloy pa rin bumabaha sa ating mga komunidad. Saan napunta ang bilyones ng mga mamamayan?” saad ng Akbayan.

Dagdag pa nila, “Naghahanda na agad ang mga Pilipino sa papasok na isa pang bagyo at naghahanda rin si President Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address. Ngunit sa katotohanan, ang totoong estado ng mga Pilipino: nalulunod sa mga bigong pangako at sinasalanta ng inutil na pamumuno.”

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

Hindi pa man natatapos ang pag-ulan, may tatlong low pressure area (LPA) na agad na binabantayan ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) dahi sa potensyal ng mga ito na maging tropical depression sa susunod na 24 na oras.

MAKI-BALITA: 3 LPA na! Panibagong LPA sa labas ng PAR, minomonitor ng PAGASA