December 13, 2025

Home BALITA National

3 LPA na! Panibagong LPA sa labas ng PAR, minomonitor ng PAGASA

3 LPA na! Panibagong LPA sa labas ng PAR, minomonitor ng PAGASA
DOST-PAGASA

Bukod sa dalawang low pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), may panibagong LPA na minomonitor ang PAGASA, Martes, Hulyo 22.

Sa 24-hour tropical cyclone formation outlook na inilabas nitong 10:00 ng umaga, isang panibagong LPA (07i) ang namataan sa labas ng PAR na may layong 2,850 kilometro Silangan ng Silangang Kabisayaan. Ayon sa PAGASA, ito ay may "medium chance" na maging tropical depression sa susunod na 24 na oras.

Bukod sa LPA 07i, may potensyal ding maging tropical depression ang dalawang LPA na nasa loob ng PAR. 

Ang LPA 07g ay namataan sa layong 1,140 kilometro Silangan ng Central Luzon, habang ang LPA 07h naman ay namataan sa 225 kilometro Silangang Timog-silangan ng Basco, Batanes. 

National

Sen. Bato at iba pa, 'di sumipot sa bicam conference committee meeting para sa 2026 nat’l budget

Samantala, kasalukuyang nakakaapekto ang southwest monsoon o habagat sa malaking bahagi ng Luzon.