Nakorner nina “Your Honor” hosts Buboy Villar at Chariz Solomon ang 2nd Big Placer ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” na si Will Ashley patungkol sa nararamdaman nito sa kapuwa housemate na si Bianca De Vera.
Sa latest episode ng nasabing vodcast kamakailan, walang ibang nagawa si Will kundi sagutin ang tanong sa kaniya ng dalawang hosts.
“Nagkaroon kami ng show ni Bianca. Talagang nagkaroon kami ng relationship. [...] Legit good friends talaga. Like, we support each other. Lahat nando’n,” saad ni Will.
Dagdag pa niya, “Very vocal naman ako dito. Hinahangaan ko talaga siya. I mean, sa pagiging masipag niya sa work at dedication. Very, very passionate talaga.”
Matatandaang nakatrabaho ni Will si Bianca sa makasaysayang collaboration project ng ABS-CBN at GMA Network na pinamagatang “Unbreak My Heart.”
Gayunman, kahit kay Kapuso Sparkle artist Dustin Yu kasalukuyang nila-love team si Bianca, masaya naman daw si Will para sa dalawa.
MAKI-BALITA: Will, masaya para kina Dustin at Bianca: 'Support ko sila'