December 14, 2025

Home SHOWBIZ

Vice Ganda, mas piniling maligo sa ulan kaysa pumasok sa trabaho

Vice Ganda, mas piniling maligo sa ulan kaysa pumasok sa trabaho
Photo Courtesy: Vice Ganda (FB)

Hindi pinalampas ni Unkabogable Star at “It’s Showtime” host Vice Ganda ang biyayang hatid ng ulan.

Sa latest Facebook post ni Vice nitong Lunes, Hulyo 21, ibinahagi niya ang larawan ng pagligo niya sa ulan kasama ang nanay niya.

Kuwento niya, “Gumising ng maaga para magtrabaho. Malakas ang ulan. Naisip ko ung mga araw na naglalaro ako sa ulan. Ang saya nung mga araw na yun.” 

“Napaisip ako kung anung gusto ko sa sandaling yun. Bumangon ako. Pero di ako dumiretso sa trabaho. Pumunta ko sa bahay ng Nanay ko at inaya ko syang maligo sa ulan. Napakasaya. Di matatawaran,” dugtong pa ni Vice Ganda.

Relasyon at Hiwalayan

‘Totoo na!’ Kiray Celis, kinasal na!

Ayon sa Unkabogable Star, noong mga oras na nasa ulanan siya ay wala raw siyang ibang gusto kundi ang makasama ang nanay niya at bumalik na lang sa pagkabata.

“Bukas may trabaho pa ko. Pero di ko alam kung bukas uulan pa. Di din ako sigurado kung makakapaglaro pako sa ulan kasama ang Nanay ko. Kaya ngayon na. Ngayon na,” pahabol pa niya.

Kasalukuyang masama ang lagay ng panahon sa Metro Manila at ilang bahagi ng CALABARZON dahil sa southwest monsoon o habagat.