Nagpahayag ng pagkadismaya si dating Presidential Spokesperson Harry Roque hinggil sa hindi raw pagkilos ng mga Pinoy sa Pilipinas sa kabila raw ng panawagan niyang patalsikin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Sa Facebook live noong Linggo, Hulyo 20, 2025, tahasang pinuna ni Roque ang hindi raw pagtugon ng mga Pinoy sa nasabi niyang panawagan.
“Kayo namang mga Pilipino, ano ba ‘yan? Dalawang taon na kong nagsasalita, nagwawakwak sa Marcos na ‘yan—nagsasabi na wala nang dahilan para magpatuloy pang mamuno ang tao na wala sa tamang pag-iisip. Wala namang gumagalaw diyan sa Pilipinas,” ani Roque.
Paglilinaw pa niya, “Hindi po krimen kung hihingin natin ang pagbibitiw ng isang Presidenteng walang saysay!”
BASAHIN: Roque, ‘di mapapatawad administrasyong Marcos matapos siyang malayo sa pamilya
Kasalukuyang umaapela ng asylum si Roque habang nakabinbin ang kaso niya dahil sa umano’y human trafficking na konektado sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.
MAKI-BALITA: Harry Roque, maghahain ng asylum sa The Netherlands
MAKI-BALITA: Harry Roque, pinaaaresto ng Angeles court dahil sa umano’y human trafficking kaugnay ng POGO