January 05, 2026

Home BALITA Probinsya

Lalaking pinagselosan ng kapatid, patay sa pananaga sa Davao City

Lalaking pinagselosan ng kapatid, patay sa pananaga sa Davao City
Photo courtesy: Pexels

Patay ang isang 34 taong gulang na lalaki matapos siyang pagtatagain ng sarili niyang kapatid sa Barangay Wangan, Calinan District, Davao City noong Linggo, Hulyo 20, 2025.

Ayon sa mga ulat, mismong kapatid ng biktima ang suspek kung saan nadamay din ang misis niya at 11 buwang gulang na sanggol na kapuwa nagtamo ng minor injuries.

Lumalabas sa imbestigasyon na selos ang motibo ng suspek laban sa kaniyang kapatid. Nakipag-inuman pa raw ang suspek bago nangyari ang naturang krimen.

Ayon sa mga awtoridad, ilang beses na raw kinokompronta ng suspek ang kaniyang asawa hinggil sa kaniyang paghihinala na may relasyon ito sa biktima. Bunsod nito, umalis ang asawa ng suspek dala ang kanilang anak sa takot na rin niya sa kanilang buhay.

Probinsya

Toy gun lang? Lady driver na nagpakita ng baril, nanakot lang daw ng namamalimos

Bunsod nito, ang biktima raw ang binalingan ng suspek na bukod sa pananaga ay pinalo pa raw ng bato sa kaniyang mukha.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong murder at frustrated murder. 

Samantala, nasa stable condition na rin sa ospital ang mag-ina ng biktima na nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.