December 20, 2025

Home BALITA National

Dahil sa malakas na ulan: MRT-3, LRT-1, LRT-2, may libreng sakay ngayong July 21

Dahil sa malakas na ulan: MRT-3, LRT-1, LRT-2, may libreng sakay ngayong July 21
photo courtesy: DOTr/FB

Dahil sa patuloy na malakas na ulan dulot ng southwest monsoon o hanging habagat, may handog na libreng sakay ang MRT, 3, LRT-1, at LRT-2 ngayong Lunes, Hulyo 21.

Ang anunsyong ito ay kasunod ng pagsuspinde ng Malacañang sa mga klase at trabaho sa mga opisina ng pamahalaan sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna, Zambales, Pampanga, Bataan, at Batangas.

Nagsimula ang libreng sakay sa mga tren dakong 12:00 PM, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

"Prayoridad ng Department of Transportation ang kaligtasan ng mga pasahero at tiyaking mabilis at ligtas silang makakauwi sa kanilang bahay, sa kabila ng malakas na pag-ulan at pagbaha sa ilang mga lugar sa Metro Manila," anang DOTr. 

National

MMDA Chair Artes, winelcome si ex-PNP Chief Gen. Torre bilang bagong MMDA General Manager

Bukod sa mga tren, may libreng sakay rin ang ahensya katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Ports Authority (PPA) sa mga bus at truck ay maghahatid sa mga ruta mula Quiapo hanggang Angono, Rizal; Quiapo hanggang Fairview, Quezon City; at Lawton hanggang Alabang, Muntinlupa City.