December 13, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Bianca Umali, flinex ‘mukbangan’ nila ni Ruru Madrid

Bianca Umali, flinex ‘mukbangan’ nila ni Ruru Madrid
Photo Courtesy: Bianca Umali (FB)

Inilantad ni Kapuso star Bianca Umali ang “sagpangan” nila ng jowa niyang si Ruru Madrid sa kanilang 7th anniversary. 

Sa latest Facebook post ni Bianca noong Linggo, Hulyo 20, makikita ang larawan ng pinagsaluhan nilang halik kalakip ang mensahe para kay Ruru.

Ayon sa aktres, pitong taon na raw sila ni Ruru pero hanggang ngayon ay hindi pa rin daw niya maipaliwanag kung paano nito nagawang baguhin ang mundo niya.

“Sa bawat umaga, ikaw ang aking liwanag. sa bawat gabi, ikaw ang panalangin sa aking puso. Hindi ko alam kung anong hiwaga ang meron ka, pero sa’yo ko natagpuan ang kapayapaan sa gitna ng gulo, at ang saya sa gitna ng lungkot,” saad ni Bianca.

Relasyon at Hiwalayan

Gulat yarn? Coco, biglang tinuka si Julia sa ABS-CBN Christmas Special

Dagdag pa niya, “Ang dami na nating pinagdaanan—mga gabing puro iyak, mga araw na puro tawa, at lahat ng kwento sa pagitan…Pitong taon ng paghawak sa isa’t isa, ng pagtawid sa unos at pagdiriwang sa ginhawa.”

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Hinihikayat ng iba na magpakasal na ang dalawa. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"sakit sa eyes, stay strong po"

"ayy gagii, gulat ako dun ah. kakabukas ko palang sa app tapos eto yung unang tumambad at 4am."

"So Si TERRA pala nagwagi nasa anak pala ni danaya ang true love ni IBARRO WALA pala Kay AMIHAN AT ALENA "

"11 years is waving...aabot kaya... ...magpakasal na kau gudluck ..congrats for 7years...sana nga magtagal "

"Magsasawa din Yan sayo"

"Pwede na magpakasal nang makapagparami,maganda magiging lahi nyo,congrats to 7years,more love and faith!"

Matatandaang sa isang panayam noong Hulyo 2024 ay inamin ni Bianca na confident daw siya na sa kasalan mauuwi ang kanilang relasyon ni Ruru.

MAKI-BALITA: Bianca Umali, handa nang magpakasal kay Ruru Madrid?