Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang Antique nitong Lunes ng gabi, Hulyo 21, ayon sa Phivolcs.
Sa datos ng Phivolcs, naganap ang lindol bandang 10:13 p.m. sa Anini-Y, Antique na may lalim na 10 kilometro, at tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.
Samantala, wala namang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang naturang lindol.