January 25, 2026

Home BALITA Internasyonal

Tinaguriang 'sleeping prince' ng Saudi, pumanaw matapos ma-coma ng 20 taon

Tinaguriang 'sleeping prince' ng Saudi, pumanaw matapos ma-coma ng 20 taon
Photo courtesy: Prince Khaled/X

Tuluyan nang natuldukan ang pag-asa ng pamilya Prince Al Waleed na muli siyang magigising mula sa comatose matapos ang kaniyang pagpanaw noong Sabado, Hulyo 19, 2025.

Sa loob ng dalawang dekada, nanatili sa pagiging comatose ang anak ni Prince Khaled, matapos siyang maaksidente noong 2005. 

Ayon sa mga ulat, nakasama sa isang car accident si Prince Waleed sa London noong 2005, at magmula noon ay nanatili na siyang comatose. Batay pa sa mga ulat, makailang beses umanong tinanggihan ng kaniyang ama na tanggalin ang kaniyang life support, sa pag-asang muli siyang gigising. 

Magmula noon, ay binansagang “sleeping prince” si Prince Waleed, matapos na rin ang ilang mga larawan at video na isinasapubliko ng kaniyang pamilya.

Internasyonal

12-anyos na lalaki, patay sa kagat ng pating!

Samantala, sa pamamagitan ng isang Arabic X post noong Sabado, inanunsyo ni Prince Khaled ang pagpanaw ng kaniyang anak.

“With hearts believing in Allah will and decree, and with deep sorrow and sadness, we mourn our beloved son: Prince Al-Waleed bin Khaled bin Talal bin Abdulaziz Al Saud, may Allah have mercy on him, who passed away today,” ani Prince Khaled.