Mismong tatay ni Megastar Sharon Cuneta ang sumasaway sa kaniya para hindi siya malunod sa kasikatang natatamo lalo na noong kabataan niya.
Sa latest episode kasi ng “KC After Hours” noong Sabado, Hulyo 19, inusisa ni broadcast-journalist Karmina Constantino si Sharon kung dumating ba ang puntong naging adiksyon ang katanyagan nito.
“No,” sagot ni Sharon. “And I say that with all honesty because my parents would not allow it.”
“When you’re younger, your impressionable is easy to be swayed by all the false promises,” pagpapatuloy niya. “But my parents made sure nakatutok sila. “
Dagdag pa ng Megastar, “[M]y Dad always said, ‘Pag ‘yang ulo mo lumaki kaysa sa sumbrero mo pupugutan kita.’ Of course, you knew he wasn’t going to do it, but it meant so much.”
Ayon kay Sharon, lagi raw silang kinukuwentuhan ng tatay nila patungkol sa buhay na kinalakhan nito noong kabataan. Nagmula rin daw ito sa wala.
Kaya habang lumalaki, naturuan sila ng tatay niyang politiko kung papaano kumonekta sa tao anoman ang uring panlipunan ng mga ito.
Matatandaang si Pablo Cuneta ang ama ni Sharon na nagsilbi bilang alkalde ng Pasay sa loob ng tatlong termino mula 1951 hanggang 1998.