December 16, 2025

Home BALITA Politics

Rowena Guanzon, nilinaw na 'di siya DDS: 'Kakampink po ako'

Rowena Guanzon, nilinaw na 'di siya DDS: 'Kakampink po ako'
Photo Courtesy: Screenshot from One News PH (YT)

Nagbigay ng paglilinaw si dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Atty. Rowena Guanzon kaugnay sa kasalukuyan niyang paksiyon sa politika.

Sa segment na “Internet Questions” ng “Politika All The Way” noong Sabado, Hulyo 19, isang netizen ang nagtanong kay Guanzon kung bakit daw siya naging Duterte Diehard Suppoter o DDS.

Ngunit ayon sa kaniya, “Hindi po ako DDS. Kakampink po ako, ‘d iba? ‘Yong mga DDS, they originally pro-Duterte. And they represent Duterte principles. So hindi po ako DDS.”

“Kaya lang, love ako ng mga DDS. It doesn’t make me DDS if they like me, ‘di ba? Kasi ako, I’m really left of center ever since high school; I was in UP, barkada ko ‘yan si Liza Maza,” dugtong pa ni Guanzon.

Politics

Political scientist sa pagtatago umano ni Bato: 'Napakaduwag!'

Matatandaang sa kasagsagan ng kampanya noong 2025 midterm elections ay pinulutan ng mga netizen ang larawan nina Guanzon at at senatorial aspirant Atty. Jimmy Bondoc sa umano'y hindi nila sinasadyang pagkikita.

Bumwelta naman si Guanzon sa pangangansel sa kaniya ng ilang netizens at sa akusasyong hindi raw siya tunay na Kakampink.

MAKI-BALITA: Guanzon sa cancel culture: 'Di pa kayo nadala nung 2022 saan tayo pinulot'