Nagpaabot ng pagbati si reelected Leyte 1st District Rep. at House Speaker Martin G. Romualdez para kay “Pambansang Kamao” Manny Pacquiao matapos ang comeback fight nito laban kay welterweight champion Mario Barrios.
MAKI-BALITA: Pacman, dismayado sa resulta ng laban kontra Barrios: 'I did my best in the ring!'
Sa latest Facebook post ni Romualdez nitong Linggo, Hulyo 20, sinabi niyang ipinakita raw ni Pacquiao ang puso ng isang tunay na kampeon.
“Manny showed the heart of a true champion: fearless, relentless, and full of pride for his country,” saad ni Romualdez.”
Dagdag pa niya, “Sa bawat suntok, dala niya ang pangalan ng Pilipinas. Sa bawat galaw, tagos ang determinasyon ng isang Pilipinong hindi sumusuko.”
Ayon sa kongresista, bagama’t ang resulta ng laban ay malayo sa inaasahan ng bawat Pilipino, nagawa pa rin daw ni Pacquiao na ipalala sa mundo ang sarili—matatag, palaban, at may dangal.
Kaya naman pinasalamatan ni Romualdez ang Pambansang Kamao sa muling pagbitbit nito ng watawat na Pilipinas sa internasyonal na entablado.
“You proved that greatness knows no age, and that legacy is not about wins and losses—but the lives you continue to inspire,” anang kongresista.
KAUGNAY NA BALITA: ‘Bigong mapatumba!’ Pacquiao, ‘di naagaw ‘WBC welterweight title’ kay Barrios