Minamadali na raw ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagkukumpuni sa San Juanico Bridge upang muling mapahintulutan ang pagdaan ng mga mabibigat na sasakyan sa naturang tulay.
Sa panayam ng Super Radyo dzBB kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, iginiit niyang target nilang matapos ang pagkukumpuni hanggang Disyembre 2025.
“Ongoing ang repairs sa San Juanico Bridge at pinapaspasan na namin para makaabot kami sa deadline ng Presidente,” saad ni Bonoan.
Matatandaang noong Mayo nang magdeklara ng state of emergency ang Tacloban City matapos maapektuhan ang pagdaan ng mga transportasyong may kinalaman sa mga negosyo mula Leyte papuntang karatig-probinsya at iba pang bayan.
Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., umabot sa mahigit ₱500,000 ang pondo sa pagsasaayos ng San Juanico Bridge.
BASAHIN: 'No study, no safety!' Tacloban mayor, kinalampag gobyerno dahil sa San Juanico Bridge