Tila tuluyan na muling raratsada si Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa boxing ring matapos niyang igiit na kalimutan na raw ang politika sa pagiging private citizen na raw niya ngayon.
Sa panayam ng media sa kaniya matapos ang kanilang naging madikit na tapatan ni Mario Barrios nitong Linggo, Hulyo, 2025, (araw sa Pilipinas) nabanggit niya ang legasiya na nais na lamang daw niyang ituloy.
KAUGNAY NA BALITA: ‘Bigong mapatumba!’ Pacquiao, ‘di naagaw ‘WBC welterweight title’ kay Barrios
“Pacman is back, and the journey will continue. But politics? Forget about politics. I’m a private citizen right now. I want to live a simple life, give inspiration, and still help other people. That’s my heart, to leave a legacy. I want to create a legacy that I can leave behind when we’re gone,” ani Pacman.
Samantala, kaugnay naman ng politika sa kaniyang naging preperasyon sa tapatan nila ni Barrios, iginiit niyang late na raw ang naging pag-eensayo niya bunsod ng pangangampanya niya sa pagkasenador sa ilalim ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.
“For four years I don’t have a fight, and training for two months is not enough. I just started late because of election in the Philippines. But for those two months of training. I disciplined myself like focus on nothing, just training alone,” aniya.
Matatandaang nagretiro noong 2021 si Pacman habang noong 2022 naman nang bigo siyang palarin sa pagtakbo bilang Pangulo ng bansa at nitong 2025 naman nang matalo rin siya sa pagkasenador.
KAUGNAY NA BALITA: Netizens, naninimbangan na sa magiging resulta ng laban ni Pacman