December 13, 2025

Home SPORTS

Pacman, dismayado sa resulta ng laban kontra Barrios: 'I did my best in the ring!'

Pacman, dismayado sa resulta ng laban kontra Barrios: 'I did my best in the ring!'
Photo courtesy: via AFP

Nagpahayag ng pagkadismaya si Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa naging resulta ng kaniyang comeback fight laban kay welterweight champion Mario Barrios.

Sa pagharap niya sa media, iginiit ni Pacquiao na dismayado raw siya sa “majority draw” na desisyon ng mga hurado, bagama’t masaya raw siya sa kaniyang ipinakitang laban.

“Tonight I know many enjoyed the fight. I know the decision is not good to me. I’m sad, but I did my best.  Being not having a fight for four years I’m happy for my performance tonight,” ani Pacman.

Dagdag pa niya, “I thought after the 12 rounds I won the fight. I think my analysis was. I won eight rounds. I’m disappointed with the announcement that is a draw. I did my best in the ring.”

Ranking ng Pilipinas, patuloy pagratsada sa 33rd SEA GAMES 2025

Matatandaang naiuwi pa rin ni Barrios ang kaniyang titulo sa kanila ng pagdodomina ni Pacquiao sa loob ng ilang rounds. Bagama’t tumabla sa dalawang judges, pumabor kay Barrios ang iskor ng isang judge na, 115-113.

KAUGNAY NA BALITA: ‘Bigong mapatumba!’ Pacquiao, ‘di naagaw ‘WBC welterweight title’ kay Barrios

Sa kabila ng hindi niya inaasahang resulta, tila may pahiwatig naman si Pacman sa kaniyang tuluyang pagbabalik sa boxing ring, matapos siyang magretiro noong 2021.

“The fans are so happy about the performance, but don’t worry Pacman is back so I’m still here,” saad ni Pacquiao.