December 18, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Nadadamay gay community! Janus, pinagsabihan si Awra tungkol sa 'entitlement'

Nadadamay gay community! Janus, pinagsabihan si Awra tungkol sa 'entitlement'
Photo courtesy: Janus Del Prado (IG)/Awra Briguela (IG)

May open letter ang aktor na si Janus Del Prado para sa TV personality na si Awra Briguela kaugnay ng isyu ng "misgendering" sa kaniya, na may kinalaman naman sa content creator na si Sir Jack Argota.

MAKI-BALITA: Content creator sinita sa pronoun para kay Awra; netizens, rumesbak!

Ayon sa Facebook post ni Janus, ang "entitlement" umano ni Awra pagdating sa ganitong bagay ay "nandadamay" tuloy sa gay community.

Mababasa sa post ni Janus, published as is, "Awra. You are doing too much to the point that you are hurting the gay community. People are starting to turn against the entire gay community because of this kind of entitlement. Nadadamay sila sa bashing."

Tsika at Intriga

Nilaro ang memes, nagkusa na! Jellie Aw, isinilid sarili sa drum at maleta

“Not to mention overshadowing the identity and attention from biological women, their struggles and their place in society."

“Stop acting like you are being oppressed because you are not," aniya pa.

Iginiit pa ng aktor na nakigaya lang naman ang mga Pilipino pagdating sa pronouns at "gender alphabet."

Saad pa niya, nawa raw ay makinig ang mga "new gen" na nasa komunidad sa mga kagaya ni Ricky Reyes.

"Makinig kayo sa mga nauna sa inyong Gays like Ricky Reyes. They know better. And quite frankly, the LGBT community hasn’t been about the Lesbians and the Gays in a very long time."

“You made it all about these neo genders and pronouns that lack common sense," giit pa niya.

At mensahe naman ni Janus sa gay community, "And to the gay community. Please speak up pag wala na sa hulog yung ginagawa ng miyembro ng kumunidad niyo. Don’t be an enabler just because they are a part of your group. It will only hurt the gay community and what you stand for. Thank you.”

Matatandaang nagsalita na rin si Awra tungkol sa isyu subalit nilinaw lamang niyang hindi siya ang nasa likod ng fan-based Facebook page na rumeresbak kay Sir Jack.

MAKI-BALITA: Awra Briguela, nilinaw 'below the belt' na resbak sa content creator

Bukod kay Janus, pinagsabihan din ng showbiz insider na si Ogie Diaz si Awra na huwag nang patulan ang content creator.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz, pinayuhan si Awra Briguela na ‘wag nang patulan pang-uurot ng content creator

Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Awra sa sinabi ni Janus.