December 15, 2025

Home BALITA

Konstruksyon ng MRT-7, sinisi sa pagbaha sa Commonwealth

Konstruksyon ng MRT-7, sinisi sa pagbaha sa Commonwealth
Photo courtesy: Contributed photo

Napuna ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang konstruksyon ng MRT-7 Batasan Station, kasunod ng pagbaha sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Ayon kay Rodel Oroña, Officer-in-Charge of the First District Flood Control Operation, iginiit niyang may kinalaman daw ang poste ng naturang estasyon sa pagbaha sa lugar.

“Noong nakaraan po kasi bumaha po dito, which is normally hindi po binabaha itong area na 'to. Sa inspection po namin, yung poste ng MRT, nakaharang po sa mga inlet and then yung mga steel grating po doon sa may palengke banda ay natakpan din po ng mga basura,” ani Oroña. 

Samantala, sinegundahan naman ni MMDA Engineering IV Officer Danneedee Bobadilla ang nasabing pahayag ni Oroña.

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

“Para mabilis yung pagbaba ng tubig dito, magre-request kami na magdagdag ng additional outlet ng tubig yung mga inlet diyan sa mga gutter nakita naman natin na limited lang kung saan pumapasok yung tubig so magre-request tayo sa ilalim po ng MRT station na magdagdag sila ng additional outlet po,” saad ni Bobadilla.

Matatandaang bukod sa MRT-7, pinuna na rin ng MMDA ang dolomite project sa Roxas Boulevard na nagdudulot umano ng pagbaha sa Maynila, bunsod pa rin ng naging konstruksyon ng nasabing proyekto.

KAUGNAY NA BALITA: 'Lagot!' DENR, nais gisahin sa Kamara dahil sa dolomite beach at pagbaha sa Metro Manila