December 30, 2025

Home FEATURES Human-Interest

‘Kahit tabla,’ Pacman paldo pa rin sa maiuuwing pera kontra Barrios

‘Kahit tabla,’ Pacman paldo pa rin sa maiuuwing pera kontra Barrios
Photo courtesy: via AP News

Hindi man pinalad na masungkit ang WBC welterweight title laban kay Mario Barrios, tila pumaldo pa rin si Pambansang Kamao Manny Pacquiao matapos ang kaniyang pagbabalik sa boxing ring makalipas ang apat na taon.

Talo man nang huli siyang tumungtong sa boxing ring noong 2021, hindi naman kumupas ang legasiya at titulong naiukit na ni Pacquiao sa kaniyang karera sa loob at labas ng bansa. Patunay ang nananatiling mainit na pagtanggap sa kaniya ng Las Vegas, na siyang saksi sa tugatog ni Pacman.

Nitong Linggo, Hulyo 20, 2025 (araw sa Pilipinas), muling umarangkada si Pacman matapos tangkaing agawin ang titulo ni Barrios na mas bata sa kaniya ng 16 na taon. Ang tila isa sa mga “fight of the century,” tumabla sa iskor na 114-114, 114-114 at 115-113, majority draw na pumabor kay Barrios.

KAUGNAY NA BALITA: ‘Bigong mapatumba!’ Pacquiao, ‘di naagaw ‘WBC welterweight title’ kay Barrios

Human-Interest

Sa kauna-unahang pagkakataon: 'Noli Me Tangere' ni Rizal, isasalin sa Arabic!

Batay sa mga nilathalang balita, “kinapos,” si Pacman,—kinapos mang maituturing sa kaniyang naging laban, tila nag-uumapaw naman ang naibulsa niya matapos ang nasabing 12-round bout.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin mula sa ilang sports report, tinatayang nasa $12 million ang maiuuwi ni Pacman, katumbas ng ₱685 milyon. Bukod sa kabuuang kita, nasa $5 to $6 million cut mula naman sa pay-per-view revenue ang maibubulsa pa ni Pacquiao mula sa worldwide blow-by-blow coverage ng kanilang bakbakan.

Kaugnay nito, matanda ang nauna nang iginit ni Pacman na ang ang kaniyang muling pagbabalik boxing ay hindi lamang daw laban sa pera kundi laban para sa kaniyang reputasyon.

“I’m not fighting for money. I’m here to preserve my reputation and to write another page in history,” saad ni Pacman. 

KAUGNAY NA BALITA: Sey ni Manny sa bakbakan nila ni Barios: 'Not fighting for money!'

Wala mang direktang ipinangako sa libo-libong tagahanga, tila isang pahiwatig naman ang iniwan ni Pacman sa muli niyang pagtungtong sa boxing ring—na mananatili pa rin siyang mabilis, mabagsakit at kayang makipagsabayan sa mas batang sumusunod sa kaniyang mga inuukit na laban.