Nakisali na rin ang komedyante, TV host, at direktor na si John Lapus tungkol sa isyu ng gender pronouns na mainit na pinag-uusapan ngayon.
Sa X post ni John noong Sabado, Hulyo 19, sinabi niyang mas mabuti umanong pagbigyan na lang ang isang tao kung ikaliligaya nitong matawag bilang “he” o “she.”
“Napaka simple. Kung ikaliligaya ng isang tao ang matawag ng he or she at hindi mo naman ikamamatay aba'y gawin mo na. ” saad ni John.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Ikamamatay din ba noong tao kung di siya matawag na she/he? I respect their life choices Pero sa tingin ko di naman kasama sa human rights yung pagbago sa grammar. Ako gusto ko tawagin akong “your highness” Pero di ko sıguro mapipilit yun sa iba #RespectGoesBothWays"
"Simple lang din naman , kung Meron syang panglalakeng ari “HE” yun maski gamitin nya o ano man ang gawin nya sa ari, lalake pa din yun , siguro wala namang ba mamatay kung gawin yun."
"Sabagay may punto ka dyan. Pero mie paano yung mga maarte sa pagkain okay pa rin ba yun? "
"Kung ni ask nmn nicely ng tao na tawagin silang "He or She" gawin mo ano ba namang ibigay mo gusto nila."
"Very wrong... Subtle way ka sis mag impose"
"Kasiyahan nya or ng iba VS personal conviction based on religious belief that HE is for men and SHE is for women."
"Korek ka john!"
Matatandaang nag-ugat ang isyu kamakailan ng gender pronouns matapos itama ni Sir Jack Argota ang pronoun na “her” ni Awra Briguela na ginamit sa isang ulat ng ABS-CBN News hinggil sa graduation nito sa senior high school.
Niresbakan naman ni Awra ang banat sa kaniya sa pamamagitan ng Facebook post. Ngunit ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kamakailan, sinabi ni Awra na hindi raw siya ang nagmamay-ari ng Facebook page na sumasagot kay Sir Jack.
MAKI-BALITA: Awra Briguela, nilinaw 'below the belt' na resbak sa content creator