December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Jason, crush si Ivana dahil kamukha ni Melai

Jason, crush si Ivana dahil kamukha ni Melai
Photo Courtesy: Melai Cantiveros (IG)

Ibinahagi ng TV host at komedyanteng si Melai Cantiveros ang pagkikita ng asawa niyang si Jason Francisco at ang crush nitong si Ivana Alawi.

Sa latest Instagram post ni Melai kamakailan, sinabi niyang alam na raw niya ang dahilan kung bakit crush ng mister niya ang Kapamilya  sexy star.

“[S]a wakas nakita narin ni Papang ang kanyang crush na si Ivana @ivanaalawi and tlagang confirm , kaya crush ni Papang si ivana kasi kamukha ko si Ivana , sa panaginip ko ” saad ni Melai.

Dagdag pa niya, “[P]inagselosan ko lang nuon , kmukha ko na ngayun Char lang ulit Thank you Ivana very gwapa and buutan vlog tayu soon pohon.”

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

“Labyu!! ” komento naman ni Ivana.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Bagay kay Ivana pala naka-tube!"

"Supportive ni Momsh Melai! "

"wow ka swerte ni ivana nga nka pic ni idol melai. ni spark mang mata ni jason ai"

"ung nkasuksok ang kamay sa jacket ang nagdala safe na safe Jason"

"Mag vlog kau plssss @ivanaalawi @mrandmrsfrancisco "

"Habang binabasa ko, boses talaga ni Melai naririnig ko. "

“Grabe ang caption”

Matatandaang minsan nang inamin ni Melai sa isang panayam noong 2019 na pinagselosan niya si Ivana dahil sa paghanga rito ni Jason.