January 01, 2026

Home BALITA Politics

Guanzon, 13-anyos pa lang anti-Marcos na

Guanzon, 13-anyos pa lang anti-Marcos na
Photo Courtesy: Bongbong Marcos, Rowena Guanzon (FB), via MB

Muling inihayag ni dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Atty. Rowena Guanzon ang pagiging kritikal niya sa pamilya Marcos.

Sa latest episode ng “Politika All The Way” noong Sabado, Hulyo 19, sinabi ni Guanzon na hindi raw nagbabago ang tindig niya sa pagiging anti-Marcos simula noong 13-anyos pa lamang siya.

“Anti-Marcos po talaga ako since I was 13 years old. Pangalawang Marcos na po ako, e. Huwag naman po sanang pangatlo. 67 (years old) na ako, e. Never again,” saad ni Guanzon.

Dagdag pa niya, “Ilang water canon ang tumama sa akin diyan kay Ferdinand Marcos na regime. When I was campaigning against Marcos for Leni, sinabi ko ‘pag nanalo si Marcos hindi na ‘yan aalis.”

Politics

‘Ang transparency ay dapat isinasabuhay!’ Blockchain technology, ikakasa na sa Kamara pagpasok ng 2026

Kaya sa palagay ni Guanzon, ang hindi nagbabagong posisyon niya sa pamilya Marcos ang dahilan kung bakit nagustuhan siya ng Duterte Diehard Supporters o DDS.

Sa isang bahagi kasi ng panayam, isang netizen ang nagtanong kay Guanzon kung bakit daw siya naging DDS.

Ngunit paglilinaw niya, ““Hindi po ako DDS. Kakampink po ako, ‘d iba? ‘Yong mga DDS, they originally pro-Duterte. And they represent Duterte principles. So hindi po ako DDS. Kaya lang, love ako ng mga DDS.”

MAKI-BALITA: Rowena Guanzon, nilinaw na 'di siya DDS: 'Kakampink po ako'

Matatandaang sa kasagsagan ng kampanya noong 2025 midterm elections ay pinulutan ng mga netizen ang larawan nina Guanzon at at senatorial aspirant Atty. Jimmy Bondoc sa umano'y hindi nila sinasadyang pagkikita.

Bumwelta naman si Guanzon sa pangangansel sa kaniya ng ilang netizens at sa akusasyong hindi raw siya tunay na Kakampink.

MAKI-BALITA: Guanzon sa cancel culture: 'Di pa kayo nadala nung 2022 saan tayo pinulot'