December 15, 2025

Home SPORTS

‘Bigong mapatumba!’ Pacquiao, ‘di naagaw ‘WBC welterweight title’ kay Barrios

‘Bigong mapatumba!’ Pacquiao, ‘di naagaw ‘WBC welterweight title’ kay Barrios
Photo courtesy: AP News

Napanatili ni Mario Barrios ang kaniyang titulo laban kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao via majority draw sa kanilang dikit na bakbakan para sa WBC welterweight title nitong Linggo, Hulyo 20, 2025 (araw sa Pilipinas).

Tumagal ng 12 rounds ang laban ng dalawang world champions na nagtapos sa 115-113, 114-114, 114-114.

Naiuwi pa rin ni Barrios ang kaniyang titulo sa kanila ng pagdodomina ni Pacquiao sa loob ng ilang rounds. Bagama’t tumabla sa dalawang judges, pumabor kay Barrios ang iskor ng isang judge na, 115-113.

Ito ang kauna-unahang pagbabalik ni Pacman sa boxing ring matapos ang kaniyang pagkatalo at pagreretiro noong 2021 habang napanatili naman ni Barrios ang kaniyang winning streak sa mga nadaang taon.

Ranking ng Pilipinas, patuloy pagratsada sa 33rd SEA GAMES 2025

Sa panayam ng media kay Pacman, inamin niyang umasa umano siyang papabor sa kaniya ang resulta ng kanilang dikit na laban.

“I thought I won the fight, it was a close fight. My opponent was very tough. Barrios is a wonderful fighter,” ani Pacquiao.

Samantala, sa hiwalay na panayam, iginit naman ni Barrios isang karangalan daw para sa kaniya na makasama sa iisang boxing ring si Pacman.

“It was an absolute honor, you know, to share the ring with [Pacquiao]. To share the ring with somebody with so much experience, who has accomplished so much in this sport,” saad ni Barrios.