December 15, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Bakit sumeksi? Sharon, may pinabulaanan tungkol sa pagpayat niya

Bakit sumeksi? Sharon, may pinabulaanan tungkol sa pagpayat niya
Photo courtesy: Screenshot from KC After Hours (YT)

Ipinaliwanag ni Megastar Sharon Cuneta ang tungkol sa kaniyang weight-loss journey nang maging bisita siya sa vlog ni ABS-CBN News Channel (ANC) news anchor Karmina Constantino na "KC After Hours."

Binasag ni Mega ang mga espekulasyong gumagamit umano siya ng Ozempic—isang gamot para sa diabetes na naging tanyag na rin bilang pampapayat.

"I never went on Ozempic. I tried another medication once. I could not handle it," anang Sharon.

Sa halip na umiwas, tapat niyang inilahad ang kaniyang kalagayan sa puso at ang matagal na niyang maintenance medication na nagsimula pa noong 2003. May dalawa raw siyang cardiologists na makapag-aattest tungkol diyan, kaya hindi raw siya basta-basta puwedeng gumamit ng anumang medication.

Tsika at Intriga

Galit na lumayas! Claudine at utol ni Korina, naghiwalay dahil sa kasambahay?

Ikinuwento rin ng Megastar ang masalimuot niyang paglalakbay sa pagpapapayat, na aniya'y nagsimula noong siya’y tumuntong ng 50 taong gulang noong 2016. Matagal na rin niyang gustong magbawas ng timbang talaga at inamin niyang dumaan siya sa mas matagal na proseso, ang pagbabawas ng pagkain.

Halos lahat daw ng klase ng crash diet ay ginawa na ni Shawie para lang pumayat. Dinisiplina raw talaga ni Shawie ang kaniyang sarili at nang sa ganoon, talagang numipis siya. Una na rito ang pagbabawas ng carbs, although hindi raw siya makanin, ang talagang nilalantakan daw niya noon ay tinapay at dairy products.

Very supportive naman daw sa kaniya ang mister na si Sen. Kiko Pangilinan.

KAUGNAY NA BALITA: Sharon first time ever dadalo sa ABS-CBN Ball dahil payat, sumeksi na